TS #RamonPH, bahagyang bumagal; Signal no. 2, nakataas sa Catanduanes

PAGASA photo

Bahagyang bumagal ang Tropical Storm “Ramon” habang binabagtas ang direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran.

Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa 390 kilometers Silangang bahagi ng Catarman, Northern Samar bandang 4:00 ng hapon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers per hour.

May bilis ang bagyo na 10 kilometers per hour.

Dahil dito, nakataas ang mga sumusunod na Tropical Cyclone Wind Signal:

Signal no. 2:
– Catanduanes

Signal no. 1:
– Camarines Norte
– Camarines Sur
– Albay
– Sorsogon
– Eastern Samar
– Northern Samar

Ayon sa PAGASA, posibleng itaas ang Signal no. 1 sa Polillo Island sa susunod na weather bulletin.

Miyerkules ng hapon (November 13) hanggang Huwebes ng hapon (November 14), mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ang iiral sa Silangang bahagi ng Cagayan at Isabela, Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes.

Mahina hanggang sa katamtaman na may kalat-kalat na pag-ulan naman ang mararanasan sa Apayao, Aurora, Quezon, at nalalabing bahagi ng Cagayan, Isabela, at Bicol Region.

Babala pa ng weather bureau, mapanganib pumalaot ang mga sasakyang-pandagat sa seaboards ng Northern Luzon, at eastern seaboards ng Central at Southern Luzon dahil sa inaasahang matataas na alon.

Read more...