Sa inilabas na memorandum, sinabi ni Camarines Sur Governor Miguel Luis “Migz” Villafuerte na itinaas sa red alert status ang probinsya simula 2:00, Miyerkules ng hapon (November 13).
Kasunod nito, ipinag-utos ni Villafuerte ang pagpapadala ng mga tauhan bilang cluster representative sa Provincial Emergency Operations Center (EOC) bandang 7:00, Miyerkules ng gabi.
Sa search, rescue and retrieval operations, pinatututok ng gobernador ang 83rd at 9th Infantry Battalion, 565th Engineering Construction Battalion at 51st Engineer Brigade ng Philippine Army; Bureau of Fire Protection Camarines Sur.
Reresponde pagdating sa road clearing operations ang Department of Public Works and Highways (DPWH) District Engineering Office (DEO) 1, 2, 3, 4 at 5.
Ang Provincial Health Office naman ang mangunguna pagdating sa atensyong medikal.
Sa camp coordination at camp management, pamumunuan ito ng Provincial Social Welfare and Development Office.
Inabisuhan din ang lahat ng Local Disaster Risk Reduction & Management Council (LDRRMC) na ipagpatuloy ang pagkakalat ng abiso sa mga komunidad at pagpapadala ng mga report sa Provincial EOC.