L300 van nahulog sa bangin sa Kibungan, Benguet; 6 na sakay nakaligtas

Nakaligtas sa panganib ang anim na sakay ng isang L-300 van makaraang mahulog ang sasakyan sa isang 50-metrong lalim ng bangin sa bayan ng Kibungan sa Benguet.

Nangyari ang insidente sa sitio Tigil, Barangay Sagpat habang patungo ang van sa Baguio city martes ng umaga.

Kinilala ang anim na sakay ng van na sina :

Samuel Dolin, 46
Butch Dolin;
Susan Landisan, 56;
Leomy William;
Angelo Landisan, 6
Dario De Lara, 32

Dinala muna sa Rural Health Unit ang anim bago inilipat sa Benguet General Hospital sa La Trinidad.

Read more...