Ayon sa BIR, bigo ang may-ari ng mga bodega na sumunod sa itinatakda ng Tax Code.
Ang tatlong bodega ay pag-aari ng Yaflex Hardware Inc., Gett Enterprises at Polymountain Industrial Corporation na natuklasan ang non-registration at tax deficiencies matapos ang tax mapping na ginawa ng BIR noong October 15, 2019.
Sinabi ni BIR Deputy Commissioner Arnel Gubilla aalamin pa nila ang imbentaryo ng bodega para malaman kung magkano ang dapat bayarang buwis ng tatlong kompanya.
Tiniyak pa ni Gubilla na hindi magbubukas ang mga bodega hanggang hindi nakapagbabayad ng buwis ang kompanya.
Nagbabala rin ang kawanihan na kanilang tutugisin ang mga kumpanya na hindi tumutupad sa kanilang obligasyon sa pagbabayad ng buwis.