John Legend tinanghal na “sexiest man alive” ng People magazine

Tinanghal na “sexiest man alive” ng People magazine ang singer na si John Legend.

Sinundan ni Legend ang British actor na si Idris Elba na siyang nakakuha ng titulo noong isang taon.

Ang 40-anyos na singer at actor ay kasal sa model na si Chrissy Teigen at mayroon silang dalawang anak.

Sa panayam kay Legend, sinabi nitong nagulat siya sa nasabing titulo at hindi umano niya alam kung kaya niya itong panindigan.

“I was excited, but I was a little scared at the same time because it’s a lot of pressure,” pahayag ng singer.

Si Legend na mayroong 10 Grammy awards at nagwagi na rin sa Oscar at Emmy.

Sa kasalukuyan ay isa siya sa mga coach ng singing contest na “The Voice.”

Read more...