Justin Bieber tampok sa animated movie na “Cupid”

Nagpatikim si Justin Bieber sa bago niyang movie na “Cupid.’

Tampok ang boses ni Bieber sa bagong animated movie mula sa Mythos Studios.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang singer ng larawan mula sa naturang pelikula kung saan makikita ang mythical character na si Cupid na nakaupo sa isang malaking bato habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.

Ang Cupid ang unang proyekto ng Mythos Studio mula sa founding chairman ng Marvel Studios na si David Maisel at kilalang manager na si Scooter Braun.

Read more...