Sa launching nito araw ng Martes, November 12, nagulat ang maraming kostumer dahil hindi nila magamit ang streaming devices.
May reklamo rin na hindi sila maka-log in at nang tumawag sila sa costumer service ng Disney ay pinaghintay sila ng ilang oras.
Inihayag ng pamunuan ng Disney Plus na ang “high demand” ang naging sanhi ng technical glitches at nangako na nireresolba na nila ang problema sa lalong madaling panahon.
Sa monitoring ng Downdetector.com umabot sa higit 8,000 ang iniulat na problema ng naturang streaming service.
Mabilis namang naresolba ng Disney ang napaulat na problema at agad na naibalik ang maayos na serbisyo para sa kanilang mga subscriber.
Ang Disney Plus ay naglalayong makisabay sa mga streaming services gaya ng Netflix, Amazon Prime, Hulu at HBO Max.