Christmas tree at parol lighting isasagawa sa Maynila ngayong araw

Mararamdaman na ang Pasko sa Maynila.

Inimbitahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang publiko sa idaraos na Christmas Tree lighting ceremony sa Bonifacio Monument mamayang alas-6:00 ng gabi.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Moreno na kasabay ng Christmas tree lighting ang pag-iilaw ng mga puno at parol sa Luneta Park, Intramuros, Escolta, Tutuban Mall, Paco Park, Philippine Post Office, National Museum at Rizal Park hotel.

Habang idinaraos ang programa, haharanahin din ang publiko ng musikang inihanda ng Adamson University Chorale at Adamson University String Orchestra.

Mapapanood umano nang live ang programa sa Facebook pages ng Manila Public Information Office at Manila Tourism & Cultural Affairs Bureau.

Read more...