M3.1 na lindol naitala sa Davao Oriental

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bahagi ng Davao Oriental ala-1:36 Miyerkules ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng pagyanig sa layong 46 kilometro Timog-Silangan ng Governor Generoso.

May lalim ang pagyanig na 20 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...