Foreign human rights defender Phelim Kine hindi papapasukin sa Pilipinas

INQUIRER PHOTO/JOAN BONDOC

Kinatigan ng Palasyo ng Malakanyang ang pahayag ni Foreign Affairs Teodoro Locsin Junior na hindi maaaring pumasok sa bansa ang dayuhang human rights defender na si Phelim Kine para payuhan si Vice President at drug czar Leni Robredo kung paano tutuldukan ang aniya’y murderous na kampanya ng administrasyon kontra sa illegal na droga.

Pahayag ito ng palasyo matapos sabihin ni Kine na dating New York based Human Rights Watch deputy director for Asia na nakahanda na ang kanyang bagahe para magtungo sa Pilipinas at tulungan si Robredo sa pagiging drug czar nito.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi pa man nakapag uumpisa si Kine, mayroon na itong konklusyon na isang murderous country ang Pilipinas.

Kahit pa aniya sinabi ng Palasyo na hahayaan nila ang bise presidente sa pagkonsulta sa mga eksperto, ibang usapan na aniya kung mayroon nang konklusyon ang mga ito, maging kung magsisilbing panghihimasok sa soberanya ng bansa ang pagpasok ng isang indibidwal.

Sinabi ni Panelo na hindi hahayaan ng pamahalaan na makapasok sa Pilipinas ang mga mayroon nang konklusyon na may mga pagpatay sa bansa na wala namang justification.

Read more...