VP Robredo, makikipagpulong sa ilang opisyal ng US Embassy ukol sa drug war

Nakatakdang talakayin ni Vice President Leni Robredo sa ilang opisyal ng United States (US) Embassy sa Pilipinas ang usapin ukol sa kampanya kontra sa ilegal na droga.

Kinumpirma ni Robredo na makakapulong niya ang ilang otoridad mula sa Estados Unidos sa Miyerkules ng umaga, November 13.

Nais aniya niyang malaman kung anong tulong ang maaaring ibigay ng Amerika sa mga lokal na ahensya ng gobyerno para sugpuin ang ilegal na droga sa bansa.

Matatandaang sinabi ng bise presidente na nag-alok ng tulong si U.S. Ambassador to the Philippines Sung Kim pagdating sa intelligence gathering para sa war on drugs campaign.

Tinanggap ni Robredo ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniya bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Read more...