Tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Isabela, Martes ng gabi.
Batay sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 26 kilometers Southwest ng Palanan bandang 7:36 ng gabi.
May lalim ang lindol na 9 kilometers at tectonic ang origin.
Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES