Limang illegal loggers arestado sa Quezon

Naaresto sa bayan ng Buenavista sa Quezon ang limang hinihinalang illegal loggers.

Ayon sa Buenavista Police, ang lima ay naharang habang sakay sila ng isang mini-truck sa Barnagay dela Paz, Lunes (Nov. 11) ng gabi.

Lulan ng truck ang mga kahoy na pawang pinutol na mga puno ng “bongliw,” “antipolo,” at “marang”.

Kabilang sa nadakip ang truck driver na si Noli Conducto, at mga kasama niyang sina Jaime Ramores, Roger Barlita, Dison Conducto, at Jonathan Brucal.

Nabigo ang lima na makapagpakita ng permit mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Aabot sa P6,000 ang halaga sa underground market ng mga hot lumber na nakumpiska.

Dinala naman ito ng pulisya sa DENR office sa bayan ng Catanauan.

 

Read more...