Mahigit 1,000 paaralan nasira sa magkakasunod na lindol sa Mindanao – DepEd

Umabot na sa mahigit 1,000 eskwelahan ang naitalang napinsala sa nagdaang mga pagyanig sa Mindanao.

Ayon sa Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS) ng DepEd, 1,047 na paaralan ang nasira.

Tinatayang aabot sa P3.3 billion ang halaga ng pinsala sa mga paaralan.

Ang rehiyon ng Soccsksargen ang nakapagtala ng may pinakamaraming pinsala na umabot sa 670 schools, sumunod ang Davao region (274), Northern Mindanao (82) at BARMM (21).

Ayon sa DepEd, mayroon nang 757 na temporary learning spaces (TLS) para sa mga estudyante ng 189 na eskwelahan sa Soccsksargen at Davao.

Nakikipag-ugnayan na ang DepEd sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa inspeksyon sa mga napinsalang paaralan.

Ayon sa DepEd, mangangailangan sila ng P8 bilyon para maisaayos ang mga nasirang paaralan at muling maitayo ang iba pang wasak na wasak.

Read more...