Sa pahayag sinabi ng Boeing na umaasa silang makatatanggap na ng certification mula sa Federal Aviation Administration (FAA).
Sa ngayon ay sumasailalim na sila sa final validation at ina-update na nila ang training requirements.
Ang mga 737 MAX plane ay grounded sa buong mundo simula noong Marso matapos ang malagim na aksidente ng eroplano ng Lion Air noong October 2018 at ng Ethiopian Airlines plane noong March 2019.
Bago makapag-resume sa commercial flights sasalalim sa evaluation ng multi-regulatory body ang Boeing para muling aralin ang kanilang training requirements.