Tatlong performers pinagsasaksak habang naka-live sa telebisyon sa Saudi Arabia

Isang lalaki ang lumusob sa stage at pinagsasaksak ang tatlong performers sa kasagsagan ng isang live show sa telebisyon sa Saudi Arabia.

Nangyari ang insidente sa King Abdullah Park sa central Riyadh na isa sa mga venue para sa two-month long entertainment festival.

Kamakailan, pinagaan ni Crown Prince Mohammed bin Salman ang social restrictions sa Saudi Arabia para mai-promote ang ang entertainment na dati ay bawal na bawan sa conservative Muslim kingdom.

Ayon sa State news agency na SPA, ang umatake ay isang 33 anyos na na Yemeni na naaresto din naman natapos ang insidente.

Hindi pa malinaw kung ano ang dahilan ng kaniyang pag-atake.

Kabilang sa biktima ay isang babae at dalawang lalaki.

Sa video na ibinahagi ng state television na Al Ekhbariya makikita na bigla na lang may umakyat na isang lalaki sa stage at inatake ang grupo na nagsasayaw sa stage.

Read more...