Red Cross nanawagan ng volunteers para sa round 2 ng “Patak Kontra Polio”

Nananawagan ng volunteers ang Philippine Red Cross (PRC) para sa sa ikalwang round ng mass vaccination kontra polio.

Gaganapin ang round 2 ng “Patak Kontra Polio” sa November 25 hanggang sa December 7, 2019.

Ayon sa Red Cross, maaring mag-volunteer ang mga nurse, midwives, caregivers, estudyante, iba pang Medical Health Professionals at non-medical allied volunteers.

Para sa mga nais mag-volunteer, maaring tumawag sa Red Cross Rizal Chapter, Pasig – Pateros BRanch sa numering 0917-504-7895 at hanapin si Arvin Tabien.

 

Read more...