M4.0 na lindol yumanig sa Eastern Samar

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bahagi ng Eastern Samar alas-2:47 Martes ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 83 kilometro Timog-Silangan ng Guiuan.

May lalim ang pagyanig na 17 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...