Pope Francis itinalaga si Cebu Abp. Jose Palma sa Pontifical Council for Culture

CBCP News

Itinalaga ni Pope Francis si Cebu Archbishop Jose Palma bilang isa sa mga bagong miyembro ng Pontifical Council for Culture.

Ayon sa CBCP News, si Palma ay isa sa walong bagong appointees sa Roman Curia office, kung saan karamihan sa mga bagong talaga ay cardinal.

Ang 69-anyos na arsobispo lamang katangi-tanging Asyano sa mga appointees na karamihan ay Europeans.

Bukod sa kanyang pagiging pastol ng Cebu, magtratrabaho na rin si Palma sa konseho na pinamumunuan ng biblical scholar at Italian Cardinal na si Gianfranco Ravasi.

Pinasinayaan ni Pope John Paul II ang Pontifical Council for Culture noong 1982 na layong pangunahan ang dayalogo sa pagitan ng Simbahang Katolika at mga kultura sa modernong panahon.

Ito ay upang tugunan ang pagkakaiba sa paniniwala sa makabagong lipunan.

 

 

Read more...