Idineklara ang state of calamity sa bayan ng Paluan, Occidental Mindoro araw ng Lunes, matapos rumagasa ang 5-meter high tidal waves.
Umabot na sa P300 milyon ang naging pinsala ng malalaking alon sa mga bahay, mga bangka at maging sa seawall.
Nasa 600 katao ngayon ang nasa evacuation centers matapos mawasak ang kanilang mga bahay.
Bukod sa relief goods, ipinanawagan ang tulong sa pagpapagawa sa mga nasirang bahay at mga bangka.
Nais din ni Paluan Mayor Carl Pangilinan na agad maipagawa ang nasirang seawall dahil baka mas malala ang maging resulta sakaling maulit ang tidal waves.
Kabilang naman sa mga nasirang bangka ay ang mga ibinigay ng isang Chinese group para sa mga mangingisda ng F/B Gemver 1 na binangga ng Chinese vessel sa Recto bank noong Hunyo.
Ang hampas ng malalakas na alon sa Paluan ay bunsod ng pananalasa ng Bagyong Quiel.