Container van nahulog sa trailer truck sa Maynila

Tatlong sasakyan ang tinamaan matapos mahulog ang container van mula sa trailer truck sa Maynila Martes ng madaling araw.

Ayon sa ilang saksi, mabilis ang takbo ng trak at nang paikot na ito sa Anda Circle ay kumalas at tuluyang nahulog ang container van.

Tinamaan ng container van ang isang pick-up, taxi at tricycle.

Dinala naman sa Manila Traffic Sector ang driver ng trak na umanoy amoy alak.

 

Read more...