Mula kahapon ay alas 11:00 ng umaga na ang bukas ang 80 hanggang 100 malls sa kalakhang Maynila.
Ang hakbang ay para makaiwas ang pagbubukas ng mall sa rush hour sa umaga gayundin sa gabi.
Dahil sa adjusted mall hours ay hindi na rin sasabay ang mahigit 200,000 empleyado ng mga mall sa pasukan at uwian.
Ayon kay MMDA general manager Jojo Garcia, may pakinabang dito ang mga pasahero dahil kalat o magkaka-iba na ang oras ng pagpasok at pag-uwi.
Sa datos ng ahensya, sa EDSA pa lamang ay nasa 150,000 hanggang 200,000 na mga sasakyan ang pumupunta sa mall sa unang oras ng pagbubukas nito na dahilan ng pagbigat ng daloy ng trapiko.
Una nang ibinawal ng MMDA ang sale ng mga mall sa weekdays o mula Lunes hanggang Biyernes.
Pero sa Biyernes, November 15 ay mayroon pa ring mall sale dahil una na itong naitakda bago pa ang adjusted mall hours.