M4.8 na lindol yumanig sa Batanes

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Batanes, alas-12:54 Martes (Nov. 12) ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang episentro ng pagyanig sa layong walong kilometro Hilagang-Silangan ng Itbayat.

May lalim itong 77 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Unang sinabi ng Phivolcs na magnitude 4.1 ang tumamang lindol pero itinaas ito sa 4.8 kalaunan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...