3 drug suspects timbog sa apartelle sa Makati City

File photo

Nauwi sa habulan ang pagsita ng pulisya sa isang lalaki na may dalang droga sa San Isidro, Makati City Martes ng madaling araw.

Bukod sa lalaki ay arestado rin ang dalawang babae na naaktuhan namang nagre-repack ng shabu.

Ayon kay Makati Police chief Col. Rogelio Simon, nagpapatrulya ang mga pulis sa Batangas St. nang makita nila ang isang lalaki na naka-bisekleta at may inabot sa isa pang lalaki.

Nang lumapit ang mga pulis ay nahulog ang isang sachet ng shabu mula sa isa sa mga suspects habang ang isa ay tumakas.

Nagkahabulan at pagdating sa kwarto ng apartelle ay naabutan ang dalawang babae na nagbabalot ng droga.

Nasamsam sa tatlo ang 43 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P50,000.

 

Read more...