Nagkaroon muli ng pagpupulong sa Malacañang sina Pangulong Rodrigo Duterte at Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari.
Ayon kay Sen. Christopher Bong Go, naganap ang pulong bandang alas-7:00 Lunes ng gabi.
Tinalakay ng dalawa ang planong pagbuo sa government of the Philippines (GPH)-MNLF coordinating committee.
Sinabi ni Go na nakatakdang magkita muli si Duterte at Misuari sa Davao sa susunod na buwan.
Una nang sinabi ng Malacañang noong Agosto na ang GPH-MNLF coordinating committee ay layong makuha ang kooperasyon ng MNLF para sa pagtamo sa kapayapaan sa Sulu.
LOOK: #PresidentDuterte meets MNLF leader Nur Misuari in Malacañang, 7 pm Monday. 📸: Sen. Bong Go @inquirerdotnet pic.twitter.com/zUpN1rJfKJ
— Nestor A. Corrales (@NCorralesINQ) November 11, 2019