Ayon kay Velasco, ito ay base sa gentleman’s agreement nila ni Cayetano ay sa Oktubre 2020 pa naman matatapos ang termino nito bilang lider ng Kamara.
Masyado pa rin naman anyang maaga para ito pag-usapan.
Sa ngayon sinabi ni Velasco na nakatuon ang kanyang atensyon sa kanyang trabaho bilang chairman ng House Committee on Energy at pagpasa ng mga panuklang batas na makakatulong sa pagpapababa ng singil sa kuryente sa bansa.
Magkakaroon pa rin ayon kay Velasco ng botohan para sa speakership post sa kabila ng kasunduan nila ni Cayetano.
Sinabi naman ni Cayetano na walang usapan na hindi masusunod ang kasunduan nila ni Velasco.
Hindi lamang anya maiiwasan na magkomento ang mga kongresitsa dahil sa mga magagandang nangyayari sa mababang kapulungan.
Kung mayroon naman anyang pagbabago ay sila ni Velasco ang unang mag-uusap.
Gayunman, sinabi nito na ang pangulo pa rin bilang pinuno ng koalisyon ang magpapasya kung matutuloy ang term-sharing.
Sa kasunduan, si Cayetano ay binigyan ng 15 buwan para sa Speakership post at ang nalalabing buwan sa 18th Congress ay ibibigay kay Velasco.
Narito ang ulat ni Erwin Aguilon: