Sisimulan na bukas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagliban sa trabaho.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, tatlong araw na magbabakasyon at magpapahinga muna ang pangulo.
Masyado na kasi aniyang tambak ang trabaho ng pangulo.
Habang nakabakasyon, itinalaga naman ng pangulo si Executive secretary Salvador Medialdea bilang caretaker ng bansa.
Ayon kay Panelo, pinakinggan ng pangulo ang payo ng kanyang mga kaibigan, pamilya at doktor na magpahinga muna.
Ayon kay Panelo, sa Davao lamang mananatili ang pangulo kasama ang kanyang pamilya.
Wala naman aniyang medical concern ang pangulo kung kaya walang dapat na ikabahala ang publiko.
Una nang pinayuhan ng mga doktor ang pangulo na magpahinga muna sa trabaho matapos makaranas ng muscle spasm bunsod ng pag-semplang sa motorsiklo.