Maliban sa medical consultation, Kabilang sa mga ipinagkaloob na serbisyo ay Circumcision, dental services, eye screening, at blood sugar testing.
Libre rin na ipinamahagi ang mga gamot para sa common illnesses at vitamin deficiency ng mga residente ng mga residente ng Tawi-Tawi.
“Celebrations like this provide perfect opportunity for us to deliver to thousands of our brothers and sisters the TABANG (Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan) humanitarian program of BARMM’s Chief Minister Al-Hajj Murad,” saad ni Minister of Health Dr. Saffrula M. Dipatuan.
Kagad din na binigyan ng mga paunang lunas ang mga matatanda na hinimatay habang idinadaos ang selebrasyon.
Pangkalahatan namang naging mapayapa ang selebrasyon.
Sa kasaluyan, ang BARMM-MOH ay nagkakaloob din ng medical services, medicines, at food supplies sa mga pamilya na apektado ng Magnitude 6.6 na lindol sa lalawigan ng Cotabato.