Panibagong extension ng martial law sa Mindanao, posibleng hindi na irekomenda ni Lorenzana

Maaring hindi na irekomenda pa ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagpapalawig muli ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay Lorenzana, sa ngayon hinihintay pa naman ng defense department ang rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Pero kung sya ang tatanungin, hindi na niya irerekomenda ang panibagong extension ng martial law sa rehiyon dahil masyado nang matagal ang pag-iral nito.

Mas mainam aniya kung maipapasa ng kongreso ang Human Security Act.

Ayon naman kay AFP spokesman Brigadier General Edgard Arevalo suportado ng AFP ang diskresyon ni Lorenzana.

Na kay Pangulong Rodrigo Duterte pa rin naman ang pinal na desisyon kung muling palalawigin ang martial law sa Mindanao.

Read more...