Miami Heat guard pinatawan ng 10-game suspension ng NBA

Pinatawan ng pamunuan ng NBA ng 10-game suspension without pay ang reserve guard ng Miami Heat na si Dion Waiters.

Bungsod ito ng “conduct detrimental to the team” na ginawa umano ni Waiters na nagsimula sa airplane incident noong Huwebes.

Inanunsyo ng Miami Heat sa isang statement ang suspensyon sa kanilang manlalaro at ang labis na pagkadismaya sa pangyayari.

Aminado ang koponan na hindi ito ang unang pagkakataon na nilabag ni Waiters ang patakaran ng lugar.

Noong isang buwan ay sinuspindi ang Heat guard at pinagmulta ng aabot sa $83,448.

May ulat na sangkot si Waiters sa paggamit ng THC o Tetrahydrocannabinol, isang sangkap na matatagpuan sa marijuana.

Read more...