Ang LPA ay huling namataan ng PAGASA sa layong 1,100 kilometers east ng Virac, Catanduanes.
Ayon kay PAGASA weather forecaster Benison Estareja, ang nasabing LPA ay inaasahang magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa susunod na mga araw.
Sa ngayon, apektado na ng buntot ng bagyo ang eastern section ng bansa.
Sa susunod na mga araw, maging ang western section ng Pilipinas ay makararanas na ng pag-ulan dahil sa naturang LPA.
Inaasahang magiging bagyo ang LPA sa susunod na dalawang araw at papangalanan itong “Ramon”.
MOST READ
LATEST STORIES