Anak ni Lucio Tan na si Lucio “Bong” Tan Jr., pumanaw na

Pumanaw na sa edad na 53 si Lucio “Bong” Tan, Jr ang presidente ng PAL Holdings, Inc.

Ayon sa pahayag ng pamilya Tan, nasawi si Bong Tan Jr. bago mag alas 9:00 ng umamga ng Lunes, Nov. 11 dahil sa brain herniation.

Naospital si Tan noong Sabado makaraang mag-collapse sa kasagsagan ng isang basketball game sa Mandaluyong City.

Naglalaro si Tan sa Pinoyliga Cup finals sa Gatorade Hoops Center nang mawalan ito ng malay sa 2nd quarter ng game.

Si Tan ay anak ng tycoon billionaire na si Lucio Tan Sr.

Maliban sa pagiging presidente ng PAL Holdings, si Tan Jr. ay head coach ng University of the East.

Read more...