Mahigit 200 estudyante sa tatlong paaralan sa Taal Volcano Island, iminungkahing ilikas

Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) kay Governor Hermilando Mandanas ang pansamantalang relokasyon ng mga mag-aaral sa tatlong elementary schools sa Taal Volcano Island.

Ito ay dahil nakataas pa rin ang alert level 1 sa Taal Volcano at araw-araw na nakapagtatala ng volcanic earthquakes.

Noong November 4, dalawa sa volcanic earthquakes ay may lakas na Intensity 1 at 2 at naramdaman sa Barangay Alas-as sa Bayan ng San Nicolas, at Barangay Tibag at Barangay Pira-Piraso sa Bayan ng Talisay.

Kabilang sa iminungkahi na ilipat ang nasa 218 na mag-aaral mula sa Calawit Elementary School, Pulo Elementary School, at San Nicolas Elementary School.

Ayon naman kay Mandanas, tatalakayin ang panukala at ang contingency plans ng pamahalaang panlalawigan sa isang emergency meeting sa sunod na linggo kasama ang mga opisyal at tauhan ng PHIVOLCS, Batangas PDRRMO, Provincial Engineer’s Office, Provincial Information Office, Municipal Governments ng Balete, Talisay at San Nicolas sa DREAM Zone, Capitol Site, at Batangas City.

Read more...