WWII Movie na “Midway” nangunguna sa U.S. Box Office

Tagumpay ang bagong war movie na “Midway” makaraang manguna sa takilya sa North America.

Ang “Midway” ang nasa unang pwesto sa U.S. Box Office na nakapagtala ng $17.5 milyon na kita nang magbukas sa mga sinehan.

Ang Midway na hango sa Battle of Midway noong World War II ay pinangungunahan nina Ed Skrein, Patrick Wilson, Luke Evans at Nick Jonas sa direksyon ng kilalang visionary filmaker na si Roland Emmerich.

Nasa ikalawang pwesto naman ang “Doctor Sleep” ng Warner Bros. na hango sa obra ni Stephen King na kumita ng $14.1 milyon.

Nasa ikatlong pwesto ang “Playing with Fire ($12.8M) na pinagbibidahan ng dating wrestler na si John Cena habang nasa ika-apat na pwesto ang “Last Christmas” ($11.6M).

Bumagsak naman sa pang-limang pwesto ang “Terminator: Dark Fate” ($10.5M).

1. Midway ($17.5M)
2. Doctor Sleep ($14.1M)
3. Playing with Fire ($12.8M)
4. Last Christmas ($11.6M)
5. Terminator: Dark Fate ($10.8M)
6. Joker ($9.2M)
7. Maleficent: Mistress of Evil ($8.0M)
8. Harriet ($7.2M)
9. Zombieland: Double Tap ($4.4M)
10. The Addams Family ($4.2M)

Read more...