“Singles’ Day” sales ng Alibaba nakapagtala ng ¥91.2B na kita

Nakapagtala ng 91.2 bilyong yuan na kita ang taunang Singles’ Day sales ng Alibaba, ang nangunguna sa online shopping industry.

Mas mataas ito ng 32% kumpara noong isang taon na umabot lamang ng 69 bilyong yuan.

Ito ang unang Singles’ Day na wala na ang co-founder ng Alibaba na si Jack Ma na nagbitiw noong Setyembre bilang chairman ng kompanya.

Kilala rin ang promo sale bilang “Double Eleven” na hango sa petsa ng kalendaryo na 11/11.

Gayunman, ang nasabing kita ay maituturing na pinakamababa sa loob ng 10-taon ng naturang shopping blitz ng Alibaba.

Read more...