Nagrereklamo ang mga residente sa dalawang barangay sa paglipana ng langaw na nagiging sanhi umano ng pagkakasakit ng mga tao.
Ang poultry farm ay pag-aari ng isang Emil Oberes na todo tanggi sa alegasyon na ang kanilang manukan ang sanhi ng pagdami ng mga langaw sa kalapit barangay.
Ayon kay Jerry Oberes, anak ng may-ari ng manukan nagpapatupad sila ng tamang sanitasyon sa kanilang pasilidad at bukas sila sa anumang imbestigasyon.
Napag-alaman pa na naipasara na ang nasabing poultry farm dalawang taon na ang nakalipas at muli itong nagbukas noong Setyembre.
Bukod sa barangay Cambang-ug, apektado na rin ng fly infestation ang kalapit na barangay General Climaco.