2 arestado sa operasyon kontra ilegal na droga sa CamSur at CamNorte

Arestado ang dalawang drug suspects sa magkahiwalay na pagsalakay na ginawa ng pulisya sa Camarines Sur at Camarines Norte.

Naaresto ang suspek na si Francisco Guinto Barba Jr., 42 anyos Linggo (Nov. 11) ng gabi sa bahay nito sa Daet Camarines Norte.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 5 Spokesperson Maj. Maria Luisa Calubaquib, nakuhanan si Barba ng 6 na sachet ng hinihinalang shabu at dalawang handgun na kapwa may mga bala.

Nakatakas naman ang kasamahan ni barba na si Orlando Sacramento at patuloy na pinaghahanap.

Linggo naman ng umaga nang salakayin ang isang bahay sa Barangay South Centro sa Sipocot, Camarines Sur.

Nadakip si Joel Posada matapos makuhanan ng 20 sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P20,000.

Read more...