Rider patay matapos mabangga sa bus ang sinasakyang motorsiklo sa Commonwealth, QC

Patay ang isang motorcycle rider matapos mabangga sa isang pampasaherong bus habang binabagtas ang Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), naganap ang aksidente sa tapat ng Shopwise – Commonwealth.

Nabangga ang motorsiklo sa gilid ng bus dahilan para sumemplang ito at nagulungan ng bus ang rider.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng bitkima.

Nagdulot ito ng matinding pagsisikip sa daloy ng traffic sa lugar.

Read more...