Malakanyang hindi nababahala sa seguridad ni VP Robredo sa mga drug operation

Walang nakikitang problema ang Malakanyang kung pauunlakan ni Vice President Leni Robredo ang kanilang imbitasyon na sumama sa mga anti-drug operations.

Pahayag ito ng palasyo matapos tanggapin ni Robredo ang pagiging co-chairperson ng inter-agency committee on anti illegal drugs.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi magiging abala sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa pagbabantay kay Robredo sa mga drug operations dahil mayroon naman itong sariling security personnel.

Sinabi pa Panelo na magkaiba ang trabaho ng mga nagsasagawa ng raid at mga security personnel ni Robredo.

Bukod sa imbitasyon ng Malakanyang inanyayahan din ni PDEA Director General Aaron Aquino si Robredo na sumama sa mga drug operations para makita ang totoong sitwasyon ng illegal na droga sa lipunan.

Read more...