Taeyang at Daesung ng Korean Boy Group na ‘Bigbang’ natapos na ang military service

Sinalubong ng daang-daang fans ang paglabas sa military service ng dalawang miyembro ng Korean group na BIGBANG

Naghintay ang mga fans at miyembro ng media sa paglabas nina Taeyang at Daesung sa labas ng Ground Operations Command sa Yongin, South Korea araw ng linggo.

Halos dalawang taon na nawala sa music scene ang dalawa para magsilbi sa kanilang armed forces.

Ang mga kalalakihan sa South Korea ay obligadong pumasok sa military service pagsapit ng idad na 18.

Nagpasalamat naman si Taeyang sa tulong sa kanya ng kapwa sundalo habang nasa serbisyo.

“My time [in the military] could be seen as both a short period of time or a long one, depending on how you look at it, but I think it was truly meaningful. I want to thank my fellow soldiers and my superior officers who spent 20 months leading me despite my shortcomings.” Aniya sa media.

Aminado naman si Daesung na marami siyang natutunan sa panahong ginugol sa kanilang militar, “I felt a lot of emotions that I hadn’t experienced during my everyday life, and I think that I learned a lot about empathizing with other people.”

Dalawa pang miyembro ng BIGBANG na si G-Dragon at T.O.P. ang nauna nang dumaan sa military service.

Dahil nakumpleto na muli ang grupo, inaasahan ang pagbabalik ng BIGBANG sa mga susunod na araw.

Isa sa sikat na kanta ng grupo ay ang Fantastic Baby, Bad Boy at Monster.

Read more...