Sinabi ni Iwahig spokesperson Levy Evangelista nangyari ang pagtakas bandang alas-2:30 ng hapon noong Sabado (Nov. 9) gamit ang iba’t ibang lagusan sa nasabing kulungan at sa kasagsagan ng malakas na ulan.
Sinira umano ng mga inmate ang lock ng gate ng recreational area na nagsisilbing holding area para sa kanila.
Kinumpirma naman ni Bureau of Corrections (BuCor) spokesperson Maj. Alberto Tapiru na nakabalik na ang walo sa mga tumakas at nasa 38 na lamang ang kanilang hinahanap.
Tiniyak naman ni Tapiru na hindi mapanganib ang mga pumuga na dati nang nakalaya dahil sa good conduct bagamat umaapela siya sa mga ito na bumalik muna sa kulungan.
Nabatid na hindi pa natatapos ng Department of Justice (DOJ) ang pag-proseso sa dokumento ng mga GCTA beneficiaries kabilang ang 46 na tumakas.