PhilHealth, may alok na alternatibong family planning package

philhealthSimula sa susunod na buwan, maari nang maasahan ng mga mahirap na kababaihan ang alternatibong P3,000-contraceptive program na alok ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Ito’y bilang alternatibong family planning package, kapalit sa birth control implants na pansamantalang ipinagbawal ng Korte Suprema.

Sa inilabas na circular noong nakaraang buwan, tiniyak ng PhilHealth na ang nasabing package ay naglalayong bigyan ng “long acting reversible” family planning methods sa mga kababaihang Pilipino.

Kasama sa package ang consultation at counseling, professional fee, paggamit ng mga pasilidad, gamot at supplies, pati na ang contraceptive implant at mga folluw-up services.

Ngunit, nilinaw rin ng PhilHealth na tanging mga contraceptive implants na kasama sa Philippine National Formulary ang maari nilang ialok kasama ng nasabing package.

Bukod dito, iginiit ng PhilHealth na dapat isailalim sa tamang training ang mga health care providers mula sa mga lisensyadong trainers ng Department of Health (DOH) para sa contraceptive implant techniques.

Nakasaad sa PhilHealth Circular 038-2015 na maari itong magamit ng mga miyembro sa ilalim ng indigent programs, mga Pilipino sa ibang bansa at ng iGroup.

Para sa mga members sa ilalim ng formal economy, informal sector, self-earning individuals at iGroup program na nag-expire na ang kanilang validity period, magiging subject to “three months within six months” qualifying contributions ang kanilang benefit entitlement.

Maari na ring mag-avail ang mga kasambahay na miyembro ng PhilHealth ng nasabing package simula sa kanilang enrollment at payment of premiums.

Maari lamang magamit ang package isang beses kada dalawang taon o 730 days, at ang procedure ay pwede lamang gawin sa mga accredited hospitals, primary care facilities, ambulatory surgical clinics, lying-in clinics at birthing homes na may mga lisensyadong mga doktor at kumadrona.

Read more...