Magkakaroon na ng bagong superintendent ang Philippine Military Academy (PMA) sa susunod na buwan.
Mareretiro na kasi ang kasalukuyang hepe nito na si Maj. Gen. Oscar Lopez simula February 17 dahil aabot na siya sa mandatory retirement age ng mga uniformed personnel na 56 taong gulang.
Ayon sa tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Col. Restituto Padilla, sinimulan na nila ang pagpili sa maaring pumalit kay Lopez para mamahala sa PMA.
Subalit, ani Padilla, hindi nila maaring ilabas ang pangalan nito hanggang hindi pa nakakapagdesisyon si Pangulong Benigno Aquino III.
Nagsimula si Lopez bilang 56th superintendent ng PMA noong February 15, 2014.
Samantala, bukod naman kay Lopez, nakatakda na ring mag-retiro sa serbisyo si Lt. Gen. Jeffrey Delgado na commanding general ng Philippine Air Force dahil magiging 56 taong gulang na siya sa March 20.
Ani Padilla, ang proseso ng pagpili sa mga pumapalit sa mga nagreretirong opisyal ng militar ay mahigpit na binabantayan ng Board of Generals at nananatiling confidential hanggang sa maaprubahan ng Pangulo.