Water level ng Angat dam nadagdagan sa nakalipas na magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo November 11, 2019 - 07:50 AM

Nadagdagan ng bahagya sa nakalipas na magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Ayon sa PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ng ng Lunes, November 11 ay nasa 188.57 meters ang antas ng tubig sa dam.

Mas mataas ito kumpara sa 188.54 meters na water level nito kahapon ng umaga.

Ang water level naman ng Ipo dam ay bahagyang nabawasan na ngayon ay nasa 100/85 meters.

Nadagdagan din ang antas ng tubig sa La Mesa dam at ngayon ay nasa 77.50 meters.

Ang water level ng iba pang dams sa Luzon ay pawang nadagdagan din.

TAGS: Angat Dam, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Water supply, Angat Dam, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.