Walo patay sa pagsabog na naganap sa northeast Syria

Patay ang walong katao sa pagsabog na naganap sa northeast Syria.

Ayon sa defense ministry, ang Kurdish YPG militia ang nasa likod ng pagsabog na nangyari sa Tell Abyad.

Ang naturang lugar ay kontrolado ng tropa ng Turkey at kanilang Syrian rebel allies.

Isang maliit na truck ang pinasabog sa labas ng isang tindahan.

Ang YPG ang nangungunang grupo sa Syrian Democratic Forces.

Ang grupo ay nakatuwang noon ng Estados Unidos sa giyera kontra Islamic State sa Syria.

 

Read more...