LPA sa labas ng bansa papasok sa PAR ngayon araw; magiging ganap na bagyo

Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA na nasa boundary na ng bansa.

Ayon sa weather forecast ng PAGASA ang naturang LPA ay inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na 12 oras.

Huli itong namataan sa layong 1,210 kilometers east ng southern Luzon.

Apektado na ng extension ng LPA ang silangang bahagi ng southern Luzon at Visayas.

Ngayong araw, ang malaking bahagi ng Southern Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin.

Maari namang makaranas pa rin ng pag-ulan ang Cagayan Valley Region.

Dahil sa trough ng LPA, makararanas din ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang lalawigan ng Aurora, Calabarzon, Bicol Region, eastern Visayas, Caraga region at Davao Region.

Magiging maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.

Nakataas naman ang gale warning sa mga baybaying dagat ng sumusunod na mga lugar:

Aurora
Batanes
Calayan
Babuyan
Cagayan
Ilocos Norte
Isabela
Ilocos Sur

Read more...