UST, wag kontra sa UP sa iskor na 89-69

Nagwagi ang University of Santo Tomas (UST) kontra sa University of the Philippines (UP) sa semifinals ng UAAP Season 82 men’s basketball tournament, araw ng Linggo.

Nakaabante ang Growling Tigers kontra sa Fighting Maroons sa iskor na 89-69.

Ayon kay UST coach Aldin Ayo, execution sa depensa at opensa ang nag-ugat sa kanilang pagkapanalo.

Sinunod aniya ng mga manlalaro ang kanilang game plan at lahat ng instruction para umarangkada sa laro.

Nakapag-ambag ng tig-17 points sina Rhenz Abando at Soulemane Chabi Yo sa laro.

Dahil dito, muling magkakaharap ang dalawang koponan sa do-or-die match para makapasok sa Finals kontra sa Ateneo de Manila University Blue Eagles.

Read more...