Libu-libong residente sa Bangladesh, inilakas dahil sa Cyclone Bulbul

Inilikas ang libu-libong residente dahil sa pananalasa ng Cyclone Bulbul sa Bangladesh.

Ayon kay Enamur Rahman, junior disaster management minister, posibleng umabot sa 1.8 milyong residente ang ilikas dahil sa bagyo.

Nagtalaga rin ang mga otoridad ng mahigit-kumulang 5,000 evacuation centers para sa mga maaapektuhan ng sama ng panahon.

Ayon pa kay Rahman, sinuspinde ang weekend leave ng lahat ng opisyal ng gobyerno sa 13 distrito sa lugar noong Sabado.

Nakahanda rin ang Navy at Coast Guard sa ilang bahagi ng Khulna region sakaling kailanganin ang pagresponde sa anumang emergency situation.

Samantala, posible ring tumama ang bagyo sa northeastern India.

Read more...