Ayon sa PDEA Regional Office 7-Central Visayas, isinagawa ang buy-bust operation sa loob ng Cebu Chinese Cemetery sa Barangay Carreta bandang 6:45 ng gabi.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto sa target sa operasyon na si Allan Obiña. drug den maintainer. Naaresto rin ang apat nitong kasamahan na sina Ronnel Gemida, Victoriano Caballero, Norberto Bordoneo at Benjie Gemida.
Nakumpiska sa lima ang 22 pakete ng hinihinalang shabu, P670 na cash at ilang drug paraphernalia.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs of Act 2002.
READ NEXT
WATCH: Pangulong Duterte, suportado ang panukalang pag-ban sa paggamit ng plastic – Malakanyang
MOST READ
LATEST STORIES