Magnitude 3.5 na lindol, yumanig sa Davao Occidental

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Davao Occidental, Linggo ng tanghali.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 151 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 12:19 ng tanghali.

May lalim ang lindol na 96 kilometers at tectonic ang dahilan.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...